Chapter 3

Umaga uli.

Naroon si Marie sa mesa. Nakaupo sa silya. Nakataas ang isang paa. Nakalugay ang buhok. Nakatisert at nakashort ng maiksi. Mukhang yon ang ipinangtulog. "Kape ka, brad..."

"Sige..." Ngumiti si Dredd ngunit simpleng tango lamang ang iginanti ni Marie.

Inilapag ni Dredd ang baso ng kape at garapon ng asukal niya sa mesa. Bitbit ang mag. "Pahingi ng hot water, pwede?"

"Sure! Kuha ka lang."

Sumabay sa pagkakape ni Marie si Dredd.

Intiresado siyang makilala ng husto si Marie. May dating kasi sa kanya ang dalaga. Maganda naman kasi, hindi lang palaayos. Ibig sabihin, wala pang boyfriend na pinagpapagandahan at pinagpapabanguhan, naisip ni Dredd.

"Ilan kayong...?"

Hindi pa tapos ni Dredd ang itatanong ay tinugon na siya. "...magkakapatid? Ako lang."

"Eh ang..."

"... parents ko? Nasa province."

Napakamot sa ulo si Dredd. "Lagi bang maaga ang pasok mo?"

Simpleng tango lang ang tugon.

"Ah...," eentra pa lang uli ng tanong si Dredd ay tiningnan na ni Marie sa mata. Nagkatitigan sila.

"What?" Tumaas pa ang mga kilay ni Marie.

"Wala..." Umiling si Dredd. Naunahan ng hiya. Humigop ng kape. Ang gusto sana niyang linawin ay kung may nobyo na ang dalaga. Pero ano ba't lakasloob niyang naitanong, "Ano ba ang ayaw at gusto mo sa

isang lalake?"

Tumingin ng makahulugan si Marie kay Dredd. "I mean, gusto kong malaman dahil hindi ko alam kung ano ang okay at hindi okay sa mga gagawin ko dito dahil boarder mo ako." Ngumiti si Dredd. Sa loob niya,

lusot siya.

"Basta mapapagkatiwalaan lang. Okay na 'yon." "Sa totoo lang, Marie... gusto kong maging magkaibigan tayo. I like your company... kahit nung unang kita ko pa lang sa iyo. Tipo bang may disposisyon ka na sa buhay."

"Tsiken ka d'yan! Bolero pa!" Tumayo si Marie pagkaraang magkape at humarap sa lubabo upang hugasan ang ginamit na baso.

Si Dredd naman ay kasalukuyang nagmamasid sa ginagawa ni Marie. Hinagod niya ng tingin sa likod mula paa pataas sa hita, balakang

pataas sa ulo.

"Baka matunaw si Ate Marie..."

Napalingon si Dredd sa hagdan. Sina Tess at Rowena, papasok na. Napangisi lang si Dredd. Sumulyap pa ang dalawang dalaga at saka nagtawanan.

Patuloy sa pagkakape si Dredd. Daan-daanan siya ni Marie. Maya-maya ay

pumasok na ito sa kanyang kuwarto. Tabi lamang iyon ng mesang kainan at kusina. Sa labas lang ng pinto ng kuwarto ni Marie. Pero nakaawang ang pinto. Hindi nailak ni Marie.

Nasulyapan ni Dredd, nahiga sa kama si Marie at doon nakapaa sa gawi niya. Medyo maluwang ang laylayan ng short ng dalaga kaya kita mo ang tirante ng panty nito. Kaya sa halip na patapos na sa pagkakape si Dredd ay binagalan pa niya ang paghigop.

Ewan ba ni Dredd kung sinasadya talaga ni Marie ang ginagawang

pagpapatsarming o talagang burara lang ito sa katawan. Isa pa, naisip niya na baka umang lamang ni Marie 'yon upang subukin kung mapapagkatiwalaan nga siya. Na hindi siya gagawa ng kalokohan o kapilyuhan man sa loob ng apartment na 'yon

Kaya iwinaksi ni Dredd sa isipan kung ano man ang pumapasok na malaswa sa kanyang isipan. Pagkabanlaw ng pinagkapehan niya ay umakyat na siya sa kuwarto. Gumayak.

Si Marie naman ay isinara ang pintuan niya at nagpatuloy sa pagbabasa ng magasin. Hindi basta magasin. Playgirl, playboy, penthouse at marami pang iba na galing sa mga classmate niya.

Solo ni Marie ang kuwarto kaya malaya niyang nagagawa ano man ang gustuhin niyang gawin. Tulad nga ng mga sandaling iyon, naroon siya't nakahiga sa kama, nagbabasa ng mga bold magasin na madaling makapagpainit ng karborador.

Saradong lahat ang bintana ng kuwarto. Nakalak ang pinto. Nasa kainitan ng pagtatalik ang istorya sa magasin. May mga larawan ng mga hubo't hubad na babae at lalae na nagkakana.

Inaalinsangan si Marie. Kinalas ang kawit ng bra at inalis sa kanyang

dibdib. Sa nipis ng koton niyang tisert ay bakat ang kalamnan ng malulusog niyang dibdib na nagsisimula nang manigas at tayuan ng nipol. Nasalat niya iyon. Nakaramdam siya ng ibayong sarap at kiliti.

Patuloy siya sa pagbasa. Patuloy siya sa pagmamasid sa larawan ng isang lalake at isang babae habang ang malaki, mahaba, at nagngangalit sa tigas na alaga ng lalake ay ipinapasok sa lagusan ng babae. Pinaglalabas-masok. Hawak ng lalake ang kanyang sandata habang nakatuwad ang babae. Iginiya ng nakaluhod na lalake sa kama ang sandata niya buhat sa puwitan ng babae na nakatuwad naman.

Ang eksenang iyon ay pinapantasya ni Marie. Siya at ang lalake ang

nagtatalik sa isipan niya. Sa kanyang lagusan ipinapasok ng lalake ang

pagkahaba-haba at pagkalaki-laking alaga nito.

Hawak ni Marie ang magasin habang ang isang kamay niya ay humahaplos sa kanyang magkabilang dibdib. Papalit-palit. Palipat-lipat. Napapapikit siya. Napapakagat sa labi. At waring gustong umungol ngunit nagpipigil sa pag-aalalang may makarinig sa kanya sa umagang iyon na nagpaparaos siya sa pamamagitan ng sarili niya.

Nang hindi na matiis ni Marie ang pagnanasang bumabalot sa kanyang katawan ay inilapag niya ang magasin sa kama. Tinitigan ang posisyon ng lalake at babae. Ipinasok niya ang isang kamay sa loob ng soot niyang maikling short. Nilaro-laro ng gitnang daliri niya ang kanyang basa nang lagusan habang patuloy sa pagpisil ng isa pa ninang kamay sa kanyang mayamang dibdib.

Sa gunita niya ay pabilis ng pabilis ang ulos ng lalake sa lagusan ng babae sa magasin. Ganoon din ang ginagawa niya, pabilis ng pabilis ang gitnang daliri niya sa paglabas-masok sa kanyang lagusan. Pabilis ng pabilis. Hanggang sa sapitin niya ang luwalhating hanap niya sa umagang iyon.

Kung minsan, mapag-iisip-isip ni Marie na nakakahiya sa sarili ang kanyang ginagawa. Kung minsan naman, naiisip niyang makipagnobyo na. Pero wala naman siyang matipuhan sa mga mokong na nanliligaw sa kanya.

Ito naman si Dredd ay may dating sa kanya pero nag-aalanganin siya dahil kelan lang niya nakilala. Boarder pa niya. Ang ikinaiinis pa ni Marie, mukha daw torpe o manhid.

Crash din ni Marie si Dredd.

Pero paano na kung may nobya si Dredd?

Naitanong minsan ni Marie sa sarili. Paano kung isama pa doon sa apartment. Hindi siya papayag na makita si Dredd na kayag ang nobya nito sa apartment niya. Magseselos lamang siya.

Ngunit sadyang mapaghamon ang sitwasyon.

"Good afternoon...," bungad ng isang magandang dalaga sa doorway ng apartment nina Marie.

"Yes... What can I do for you?"

"I'm looking for Dredd..."

"Dredd?"

"Dredd Serrano..." sabi pa ng babaeng naghahanap sa binata.

"Ah, umalis siya... sino sila?" usisa ni Marie.

"Tell him na lang na nag-drop by ang sweetheart niya. Okay?" Pinungayan ng mata at tinaasan pa ng kilay si Marie.

Asar lang ni Marie. Gusto niyang sipain palabas ng gate ang bruha.

Pagdating ni Dredd sa apartment ay agad sinabi ni Marie. "Hoy, mister!

Nagdaan ang sweetheart mo daw siya, kanina... hinahanap ka..."

Napangiti si Dredd. "So, you meet her?"

"She's cute...," sabi ni Marie. At bumulong, 'cute patayin!'

"Pasensiya ka na. Parang nakita ko na kung ano ang aprowts niya kanina. Ganoon kasi 'yon, eh... kapag nakakakita ng mas maganda sa kanya eh naiinsikyur."

"Ah, ganon?!" Hindi nakuhang magalit ni Marie dahil sa sinabi ni Dredd. Bagkus ay tila ibig pa niyang mangiti pero pinigil niya. "Sige, puntahan mo na at baka bumalik pa dito 'yon eh pabakatin ko lang sa padel."

Biglang pumasok sa kuwarto si Marie. Isinara ang pinto at doon sa loob

inilabas ang pagngisi sa sinabi ni Dredd na mas maganda siya kaysa nobya nito. Feel na feel naman niya.

May usapan kasi sina Geng at Dredd na magkikita sa Isetan Recto. Pero hindi nakarating sa oras si Dredd dahil nag-alanganin ang labas nila sa klase. Nahirapan siyang magpaliwanag kay Geng.

"Lagi mo na lang dahilan 'yan, eh."

"Konting tiis na lang, malapit na ang bakasyon, eh...." Nilalambing ni Dredd si Geng. Naroon sila sa sala ng inuupahang bahay nina Geng.

"At saka ikaw lang yata ang lalake sa apartment na 'yon. Mukhang ang lalandi pa ng mga nakatira. Lalo 'yung nakausap ko kanina."

"Ah... si Marie? Land Lady ko 'yon."

"Land lady ka d'yan?!"

"Uyyy... nagseselos..." Ngumisi si Dredd.

"Ah basta! Lilipat ka ng ibang bahay."

"Ano?!" Biglang nagbago ang hitsura ng mukha ni Dredd. "Lipat na naman?"

"Basta I hate her. At ayokong magkasama kayo ng babaing 'yon sa isang

bubong."

"What's the matter with that?"

"The matter is wala akong tiwala sa kanya!" Tumaas ang tono ng boses ni Geng. "That's the big deal!"

"Big deal! Talagang napakaselosa mo. Alam mo ba 'yon?"

Umiyak si Geng. Gabi na noon. Sila na lang ang tao sa ibaba. Maya-maya ay lumabas si Cecille, ka-room mate ni Geng. "O, dating gawi na naman..." Napailing. "Hindi na kayo nasanay sa isa't isa. Konting lamig dapat."

"'Yang kaibigan mo, eh... sobra na... napakaselosa."

"Sige, kampihan mo pa ang malanding 'yon!" Paangil na sabi ni Geng. Matalim ang tanaw kay Dredd.

"Hay naku, mabuti pa ay maglayo na kayong dalawa. Sa ibang araw ka na

bumalik Dredd. Palipasin mo muna ang init ng ulo-ulo ninyo. Okay?"

"Okay... pero pagsabihan mo naman 'yang kaibigan mo." Umirap si Dredd.

"Kita mo na, hindi mo na ko love...," ani Geng. "Aalis wala man lang goodbye kiss."

"Kiss-kisin mo sarili mo." Bago tuluyang umalis si Dredd ay nagbilin pa uli. "Next time, isipin mo muna ang mga sasabihin mo bago ka magsalita ng masasakit sa kapwa mo, ha?"

Mag-aalas-onse na ng makarating sa dorm si Dredd. Sarado na ang gate. Wala na siyang pag-asang makapasok dahil inabutan na siya ng curfew. Saan siya matutulog ngayon? Naupo siya sa isang gilid ng umbok ng pader. Nag-isip na sana ay may lumabas o 'di kaya ay pumasok pang may

duplicate ng susi ng gate. Pero halos kalahating oras na ay wala pang

dumadating. Kinakagat-kagat na si Dredd ng mga lamok doon.

"Kawawa ka naman d'yan!"

Napalingon agad si Dredd. Si Marie. Hawak ang susi.

"Ano'ng ginagawa mo d'yan?" Usisa ni Dredd. Tinitigang mabuti ang dalaga sa soot nitong bestida na pantulog. Nakapune ang buhok at may bahid ng polbo ang mukha.

"Ikaw ang dapat tanungin ko. Ano ang ginagawa mo 'dyan? Kanina ka pa ba?"

Napahagod sa buhok si Dredd. Dalawang kamay ang isinuklay sa buhok. "Bad trip kasi, eh."

Binuksan ni Marie ang gate. Pumasok si Dredd. Tuloy sila sa kusina. Sa mesa.

"Kape?" Alok ni Marie. "Mukha ngang sandamukal 'yang problema mo."

Tumango si Dredd. Kumuha si Marie ng dalawang mag sa tray. Tinimplahan ng kape. "Tinopak na naman kasi si Tekla, eh."

Napangisi si Marie. "Sino na namang Tekla 'yan?"

"Sino pa 'di yung naghanap sa 'kin kanina dito."

"Ah..." Tumawa si Marie. "Inaway ka na naman."

"Paano ba naman, kalilipat ko lang dito eh gusto na naman akong palipatin sa ibang bahay. Hindi naman ganoon kadali iyon."

Uminom sila ng kape.

"Teka nga pala. Bakit gising ka pa? 'Di ba maaga ang pasok mo bukas?"

"Hindi kasi ako makatulog kapag...."

"Kapag?"

"Basta... hindi ako makatulog kanina."

May gustong sabihin si Marie na gustong malaman ni Dredd. Gustong sabihin ni Marie na hindi siya makatulog kanina dahil wala pa si Dredd. Alam niya kasing uuwi ang binata, malakas ang kutob niya.

"Kasi eh hindi ka naman nagpaalam na uuwi ka. Ganoon ako, kapag kulang pa ang boarders ko ay hindi ako mapakali dahil sagutin ko sila. Kayo!"

"Ganoon ba? Salamat, ha?"

"Siyanga pala, may lakad ka ba sa Sunday?"

"Bakit?

"Nagyayaya kasi si Janeth sa kanila sa Marilao. Night swimming daw. Lahat sa apartment natin." Masayang hayag ni Marie. "Ano sama ka?"

"Kaso eh puro babae kayo doon, walang guys?"

"Ikaw lang. At saka bakit naman guys ang hinahanap mo? Bakla ka ba?" Natawa si Marie.

"Hindi ah!" Natawa rin si Dredd. "I mean to say, wala man lang akong

ka-jamming na lalake."

"Kaso nga ay wala naman tayong kasamahang lalake dito kundi ikaw lang. So, ikaw lang. Ano? Sama ka na?"

"Ah... gusto ko kaya lang... si Geng."

"Kung papayagan ka, ganon? Gusto mong ipagpaalam pa kita?"

"Naku hindi. Dyahe. At saka hindi ako papayagan nun. Heto nga't galit sa akin ngayon, eh."

"O 'di mas dapat kang matuwa dahil walang hastle. Habang hindi ka pa niya pinapansin ay join ka muna sa gimmik namin. Doon, mag-eendyoy ka talaga."

"Okay. Salamat sa alok mo." Ngumiti si Dredd at hinawakan sa balikan si Marie. Pinisil-pisil ni Dredd. "Akyat na 'ko, maaga pa ang pasok natin bukas. Thanks again."

"No problem."

Sabado kinabukasan ng araw na 'yon.

Nataon na maagang umalis ng bahay si Marie kaya si Dredd lang ang nagkakape ng umagang 'yon.

Si Janeth ay laging makapananghali ang pasok. Pero gumising ng maaga ng araw na iyon. Bumaba sa kusina. "Pwede bang magkape?" Nakangiti niyang bati sa binata.

"Sure!"

"Matamlay ka yata? May problema ba?" Usisa ni Janeth matapos dumulog sa mesa.

Nagkibit balikat lang si Dredd. "Sort of..."

"Nag-CR ako kagabi. Narinig kong may problema ka."

Noon tumawa si Dredd. "Lakas naman ng radar mo."

"Pero may problema ka nga?" Ngumiti si Janeth. "Kulit ko 'no?"

"Okay lang, cute ka naman, eh..." ani Dredd. "Ilang taon ka na ba?"

"Nineteen. Dalaga na. Pero wala pang boyfriend."

"Bakit wala ka pang boyfriend?"

"Kasi, may hinihintay pa ako eh," nahihiyang sabi ni Janeth sa kanyang tono.

"Aber, sino naman ba 'yung napakasuwewrteng lalake na 'yon. Biruin mong pinaglalaanan mo ng kagandahan mo't kabaitan. Matalino pa."

"Bolero ka pala. Totoong sabi ni Ate Marie."

"Aba, hindi bola 'yon. At saka ano'ng sinasabi sa'yo ni Marie?"

"Wala." Umiling-iling ang dalaga.

"Teka. Naiiba ang usapan. Sino ba 'yung lalake na 'yon. Nanliligaw na ba sa'yo?"

"Yun na nga ang problema ko, Dredd. Mukhang hindi yata ako type nung love ko," matamlay na pagkakasabi ni Janeth.

"Ang tanga naman nun. Sino ba 'yun?" Interesadong malaman ni Dredd.

Sa lahat ng kabataang dalaga ay itong si Janeth ang napakalakas ng loob. Madaling madala sa bugso ng kanyang damdamin. "Yun na nga ang problema eh... ikaw 'yung lalakeng gusto ko!"

Kamuntik nang maibuga ni Dredd ang hinigop na kape sa harap ni Janeth.

“Ha?!”


Comment

Related Chapters