logo

IstoryaHub

Manoy Po loading=

Manoy Po

By Admin

Nakaupo kami sa sala, may nakahapag na merienda nang sabihin sa akin ni Irene, "I just had a meeting with my manager, and several big studios want to sign me up for the movies. I have to learn fluent Tagalog though, as they say it will make me more bankable. I did some screen tests, and they came out great, according to the studio reps." Medyo may kumurot sa aking kalooban, na naguumpisa na ang pagsikat ni Irene. Ito ang kinatatakot ko, na sabay sa kanyang pagsikat ang paglawak ng gap naming dalawa. Lalong magiging alangan ako sa kanya, at sa isip ko'y hindi na magtatagal at magbabago na ang aming relasyon. Ayokong maging sagabal sa pag-angat niya, ngunit ayoko din namang mawala siya sa akin. Mahal ko si Irene, kahit hindi ko ito aminin sa kanya. Ngunit hindi ko ito pinaramdam sa kanya, sabi ko na lang, "That's great news, if they think you can do it, then why not go for it?" "Of course it means that we'll be spending less time with each other, what with my schedules and all. I mean, I just wanna make sure that you think it's ok." Ngumiti lang ako, kahit sinisigaw ng loob ko na wag nang ituloy, ok na kami. "Sure, go for it. Don't worry, we'll be fine. Besides, I'm still reviewing for my board exams, remember? It's ok, we'll manage." Hindi ko maipinta ang kanyang mukha, tila nagtago ang araw sa isang ulap, nawala ang liwanag sa kanyang mga mata. "Yeah, right. I guess I'll give it a shot. I mean, yeah, we'll manage..." Ngumiti siya habang sinasabi ito, ngunit hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata, tila may lungkot akong naaninag duon. Natahimik kaming dalawa, walang umiimik, ang tanging tunog na maririnig ay ang pagikot ng orasan. Limang minuto ang lumipas, at tumayo ako para magpaalam, sabi ko na lang na kailangan kong magreview. Tumayo siya, at niyakap ako, pero kaduda-duda ang pamumula ng mga mata. Nagdaan ang mga araw, at pumirma siya sa isang 5 picture deal sa isang malaking outfit. Nagumpisa na ring siyang mag-aral ng Tagalog, at dahil sa mga schedule namin, hindi kami nagkikita. Si Stef naman ay parang ilag na sa akin, tuwing niyayaya ko ay may lakad daw, o kaya naman hindi daw maganda ang pakiramdam. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na alam ko na ang dahilan, na naiintindihan ko ang kanyang sitwasyon. Isang araw, habang nasa stockroom ako, lumapit sa kin si Stef. "Puwede ba tayong mag-usap? Marami akong gustong sabihin sa ‘yo." Tumango ako at pinaupo sa silya, ang mismong silya na ginamit namin sa aming pagtatalik dito sa stockroom. "Pasensya ka na kung medyo parang umiiwas ako sa ‘yo, medyo magulo lang ang buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung papano ko uumpisahan." payukong nagsasalita si Stef. "Alam mo Stef, wag kang mag-alala sa akin, okey lang ako. Naiintindihan ko kung kailangan mo ng konting space. Ang sa akin lang, kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang, no explanations needed. Kahit nga hindi mo na sabihin sa akin kung bakit nga ilag ka sa akin, ok lang. Wag mo nang masyadong isipin yun. May maitutulong ba ako sa problema mo?" At dun nagumpisang tumulo ang luha ni Stef, ngunit simpleng sinabi na lang niyang, "Alam mo, ang bait mo talaga. Kaya naman nagustuhan ka ni Irene, halata namang patay na patay siya sa ‘yo. Pero tungkol dun sa problema ko, ako lang siguro ang makakasolve nun. Kung puwede, friends na lang tayo, at medyo kailangan kong ayusin ang buhay ko." Niyakap ko na lang siya at hinayaang lumabas ang kanyang mga luha, hanggang sa tumahan na siya.

Kinagabihan, pagdating sa bahay ng tita ko, wala akong ganang kumain, kaya nagbukas ako ng mga libro at nagumpisang mag-review. Ngunit hindi ako makapag-concentrate sa aking ginagawa, kaya hindi ko na rin pinilit at niligpit ko na lamang ang mga gamit ko. Lumabas ako papuntang tindahan, at dun ay bumili ng anim na bote ng beer. Nagpuwesto ako sa terrace, uminom ng mag-isa, habang iniisip ang relasyon namin ni Irene. Wala na si Edith sa buhay ko, sapagkat dumating na ang mister niya galing abroad, wala na daw balak bumalik pa. Si Stef ay nagkasundo kaming friends na lang, okey lang sa kin, walang problema. Pero ang kinagugulo ng aking isip ay si Irene, si Irene na tunay kong mahal, ngunit ilang naman akong makipag-commit. Hindi ko namalayan na naubos na pala ang anim na bote, ni wala pa akong tama. Tumayo ako't muling nagpunta sa tindahan, bumili pa ng anim na bote. Isang bote na lang ang natira nang marinig kong may pumaradang kotse sa tapat ng gate, tumayo ako at lumapit. Nagulat na lamang ako nang makita kong si Irene, na buong akala ko ay may photoshoot sa Subic. Binuksan ko ang gate, at humalik sa kanya, medyo napangiwi siya sa itsura at amoy ko. Hindi siya umimik, sumunod lang sa terrace at umupo, "Looks like you've had a lot to drink already. Have you been drinking by yourself?" Tumango ako, "Yep, all by myself. Want some?" Umiling siya, aninag sa kanyang mukha na nagaalala. "Are you allright, I mean, is there any problem? You've never drunk alone before." Tumawa lang ako, na kahit na sa aking pandinig ay halatang pilit. "No, no problem, just wanted to get smashed, that’s all. Don't worry too much okey, it's nothing, it will pass." Nagsalubong ang kanyang mga kilay, medyo nagagalit, "How can you say it's nothing, when you're here all alone, drinking yourself silly. You've obviously got a problem, but you won't tell me. Does it have something to do with me? Or is it something else entirely?" Hindi ako umimik agad, dahil nararamdaman ko na ang tama ng beer na nainom ko."Okay, so I've got a problem, but it's got nothing to do with you, and maybe, just maybe, things will look better in the morning. At least I think it will. So don't worry too much, it's just the way I am. Don't get angry, ok? I've got to make a decision, one that I may later regret, but all the same, it has to be made by me, and me alone." Tumahimik siya, tumingin sa akin, at medyo nagabgo na ang timpla, mukhang hindi na galit pero nandun pa rin yung concern sa kanyang mukha. "Is there anything I can do to help, nothing at all? I can't just sit here and watch you torture yourself, I love you too much for that. There, I've said it again, I love you, but I don't know if you feel the same for me." Hindi ako makatingin sa kanya, dahil sa mga kasinungalingang pinagsasabi ko. "Just sit by me and let me hold you, just let me hold you..." Tumabi siya sa akin, at niyakap ako ng mahigpit. Bago siya umalis ay sinabing may konti siyang time off, wala daw siyang naka-schedule na mga lakad or trabaho for the next few days. Dahil off ko naman kinabukasan, pumayag ako. Iniwan ko na lang ang mga nainom sa terrace, at itinulog ko na lang muna. Kinabukasan, maaga akong gumising, at nagligpit sa terrace, bago pa lumabas ang tita ko sa kuwarto niya. Nagluto na rin ako ng almusal namin at nang pagalabas niya sa kuwarto ay sabay na kaming kumain.

Umalis kami ni Irene patungong Cavite, kung saan may resthouse yung isa pa niyang tita. Nagpicnic kami, naglakad sa mga taniman ng tita niya, at pagbalik sa resthouse ay nagtalik kami na parang wala nang darating na bukas sa buhay namin. Nakabalik kami sa Pasig bandang alas-10 na ng gabi, at dahil may pasok ako kinabukasan, ay nagkasundong magkikita na lang kami sa Megamall para manood ng sine. Sa mga susunod na mga araw ay parang walang problema sa buhay, at nang matapos ang off niya, kung saan pupunta siya sa Hong Kong para magumpisa ng shooting ng unang pelikula niya, ay dun ko lang ramdam uli ang lungkot. Nangakong tatawag siya tuwing gabi, at sa tuwing break nila sa shooting, at kinabukasan ay hinatid siya ng tita at mga pinsan sa airport. Mahigit dalawang buwan silang gagawa ng pelikula duon, pero pag may free days siya, kahit dalawang araw lang ay uuwi daw. Nang umalis siya, tumutok na lamang ako sa pagre-review. Tinigil ko ang gimik, at pagkatapos sa trabaho ay diretso na sa bahay ni tita. Ngunit nasira ang katahimikan ng aking mundo nang minsa’y nasulyapan ko sa diyaryong binabasa ni tita ang isang article tungkol sa isang bagong aktres/commercial model na nililigawan daw ng isa sa Makati's elite. Na-love-at-first-sight daw sa kanya nitong multi-millionaire businessman, at walang hangganan daw ang panliligaw sa kanya nito. Ayon pa sa naturang article, malapit na daw mapasagot nito si Irene. Binasa ko ng ilang ulit ang write-up para masiguradong hindi ako nagkamali ng basa, ngunit hindi ako nagkamali. Umupo ako sa terrace, at nagyosi, at nag-isip. Halos maubos ko ang laman ng kaha bago ako tumayo, buo na ang desisyon. Kung ano man ang desisyon ni Irene, tanggap ko, hindi ako magpapahalatang tinamaan ako. Hindi dahil pa-macho effect ako, pero hindi ko na maipagkakaila sa aking sarili na hindi ko kayang dalhin ang ganitong relasyon. Sa pagputok ng career niya, malayo ang mararating niya, at hindi ako ang tipo ng lalaking sasandal sa babae. Gusto kong maitaguyod ang sarili kong pagkatao, hindi yung nasa ilalim ng anino ni Irene, o kanino man.

Tuwing gabi ay tumatawag si Irene, ngunti kahit minsan ay hindi ko binanggit ang tungkol sa kanyang manliligaw, na laman palagi ng diyaryo at mga talk show sa TV. Ito kasing si lalake ay galing sa isang prominenteng angkan, mayaman, magandang lalake, at tinuturing na “One of the Philippines' most eligible bachelors”. Hindi ako nagpapahalatang alam ko ang balitang kumakalat tungkol sa panliligaw niya kay Irene, hinayaan ko na lang kung ano man ang isipin niya. Kung isipin man niyang wala akong pakialam, ayos lang. Ayokong malaman niya na mahal ko nga siya, para pagdating ng panahon na kami'y magkakahiwalay, hindi na niya kailangang magisip pa. Papalapit na ang araw ng kanyang paguwi, at tinawagan ako ni Aling Tibang para sa pagsundo daw sa airport ay makasama ako. Nagpaalam ako sa boss kong absent ako ng isang araw, at agad naman akong pinayagan. Mukhang masaya si boss, siguro ay panay na ang siping niya kay Stef. Hinanda ko ang aking sarili sa pagdating ni Irene, naghanda para hindi niya mahalata ang tunay na nararamdaman ko. Sa wakas ay sumapit ang araw ng paguwi niya, at nagtungo kami ng airport upang salubungin siya. Hindi lang pala kami ang sasalubong kundi mga press people ay nanduon na, naghihintay upang makasagap ng balita. Paglabas sa terminal ay dinumog na siya ng mga gossip reporters, at habang nagpapa-interview ay lingon ng lingon, parang may hinahanap. Nagpasimple na lamang akong lumabas at nagtungo sa van na dala namin, nagyosi habang naghihintay sa kanyang paglabas. Hindi ko na namalayan ay parating na siya, at pagkakita sa akin ay sabay takbo at yakap sa akin. Nagsakayan na kami sa van at nagtungo pauwi, katabi ko siya, ngunit hindi kami magkausap dahil kakuwentuhan ang mga pinsan niya. Pagdating sa bahay nina Aling Tibang ay tinulungan kong magbaba ng gamit, hindi pa rin kami nagkakausap ng husto. Nagpahangin muna ako sa labas ng bahay, nakasalpak yosi sa bibig. Pagsindi ko gamit ang lighter ay hindi maiwasan ang nginig ng kamay, dahil na rin siguro sa mga pigil na damdamin. Maya-maya ay lumabas siya, tumabi sa akin at sabay yakap sa baywang, "I missed you, and I looked for you everywhere in the terminal but you weren't there." Pumatong ang kanyang ulo sa aking balikat, at sumagot akong, "I just stepped out for a while, too many reporters, you know. Anyway, try to get some rest and I'll be back later. I borrowed Dave’s car and when I come back, we'll go someplace quiet. Okey? Now, try to get some rest." Hinalikan ko at saka ako umalis.